Wednesday, September 8, 2010

September 8 - Happy Birthday, Mama Mary

Just when we're celebrating the birthday of Mama Mary, heto ako, abala sa pagiging ina. Yung mga motherly duties na ipinasa ko sa mga mimay one million years ago ay balik sa akin, for the time being.

Kaya alas cuatro pa lang, gising na ako para maghanda ng almusal, pati na rin ng baon ng mga bata. Pag-alis ng mag-ama, naglaba ako. Pinakain ko na rin ang mga aso at naglinis ng backyard. ("Backyard" aka likuran)

Paggising ni Gob, pinakain ko siya... pinaliguan... tapos, kasama si Kuya Andy pumunta kami sa ospital para kamustahin ang mimay #2 na may dengue. Pinahatid ko kay mimay #1 si Gobgob sa school habang si Andy sinamahan ko naman sa pedia kasi day 3 na ang fever n'ya (no, it isn't dengue).

After the trip to the hospital, naglunch kami ni Andy at sinundo ko si Gobgob sa school. Pag-uwi, gumawa kami ng assignment. Pahinga nang kaunti, tapos, nagluto na ako ng dinner.

O di ba domesticated?

At pagkatapos maghapunan, nanood na ako ng mga paborito kong teleserye.

At sa paglipas ng araw na ito, I pray: Mama Mary, help me be a good mother. Amen.

No comments: