Yun ang sabi ng pulis.
I was in Cubao area, somewhere along Aurora Blvd. when it happened. At first nasa left lane ako. When I saw there was an intersection with traffic light ahead, nagsignal ako and moved to the middle lane. Malayo pa naman ako, mga four cars away from the intersection when I changed lane. Pag cross ko, pinara na ako ng pulis. Swerving daw. Ganun?!
I thought my charm would work. It usually does. But I have a pimple right between my eyes. Akala ko tinubuan ako ng third eye. Pero hindi, pimple lang pala. Maybe that's why charm didn't work.
ME: Sige na... Promise sa middle lane na lang ako hanggang makarating ako sa pupuntahan ko.
PULIS: Kung gusto n'yo, bababaan ko na lang ang violation. Kasi yung swerving, P2000 ang penalty. Yung (I forget kung anong violation), P500 lang.
ME: Maawa ka na. Mamimili nga lang kami ng pang-school ng mga bata, mababawasan pa n'yan budget ko.
PULIS: O sige na nga. Kahit pangmerienda na lang.
Thought balloon: Sana may dala akong sandwich sa sasakyan. Pang merienda ba? Hetong sa 'yo! Hmph!
Anyway, I still think that wasn't swerving. Kasi from what I know, dalawang lanes ang tatawirin mo to be considered swerving. That, Virginia, is called changing lanes.
2 comments:
Gutom lang iyong pulis. Magkano naman iyong merienda niya?
P100. Biglang nilibre ko tuloy ng merienda yung mga taga-parlor. Kasi, kung yung pulis nga na di ko naman kilala, pinamerienda ko, di ba?
Post a Comment