Monday, July 5, 2010

July 6 - Rich Lola

Yesterday I went brisk walking at the Legazpi Active Park and encountered Rich Lola again. This is the lola with a white Ford van (Explorer ba yun? Everest? Basta malaki) WPY 138 and an entourage of 10. Hula ko, nanay siya ng isang politiko. Kasi dati, may escort pa siyang police.

This time, na reduce na ang kanyang alipores to 5: dalawang nurse, isang boy na tagatulak ng oxygen tank, isang babae na nakaheels (possibly a doctor) at isang medyo bagets na tagahawak ng payong ng babaeng naka-heels. Di na suot ni Lola ang kumukutitap na brilyantes sa daliri at tenga.

Siguro natalo sa eleksyon ang anak.

Pero bagamat simplified lifestyle na si Rich Lola, balidosa pa rin siya. After ilang ikot sa park on her wheelchair, one of the nurses wiped her face and applied blush on her cheeks! Ayos.

No comments: